Monthly Archives: May 2012

kalachuchi

pulutin… ipunin…

habulin ko mang mapulot at maipon lahat

di uubrang maihandog

pagkat itong mga puting bulaklak

tulad ngĀ  mga alaalang nalagas

mangingitim ang mga talulot

maaagnas… mabubulok… malulusaw.

tuluyang maglalaho.

malilimutan.

Advertisements

bawat ikalawang saglit

mulat.

ikaw.

kape.

ikaw.

isa pang kape.

ikaw.

ligo.

ikaw.

bihis.

ikaw.

lakad.

ikaw.

sakay.

ikaw.

trabaho.

ikaw.

tanghalian, kung sakali.

ikaw.

trabaho ulit.

ikaw.

uwi.

ikaw.

hapunan.

ikaw.

trabaho pa.

ikaw.

tulog..pag inantok

panaginip…ikaw.


kung…’pag…

‘pag ‘pag at kung kung.

‘pag ‘pag, kung kelan.

kung kung, ‘pag sakali.

tapos, kung tapos na?

tapos. ‘pag tapos na.


kagat

dati sa may philcoa, may kotse sa tapat ng bahay nila… dun daw sila nakatira.

tuwing linggo may lakad sila. kung saan maisipan, dun pupunta.

buong araw masayang magkasama.

kelan lang napadaan ako… yung garahe, bakante na.

hiram lang yung kotse, hindi na rin sila dun nakatira.

hiram lang yung panahon, hindi na rin sila magkasama.

minsan mapapaisip ka…kung totoo nga ba sila.

o panaginip lang.. lam mo yun?

parang bula..pumutok na, naglaho sa isang kisapmata.

punasan ang luha ng dilaw na twalya…tas humigop ng kape sa puting tasa.

ok na sana, pero dyan sa bandang ibaba ng kanang hinlalaki…

masakit pa rin ang pasa.