Monthly Archives: September 2012

huwag mong habulin ang paru-paro

Sa masukal na gubat ng pag-aalinlangan, batid mo ang patutunguhan… subalit kailangan mong maging matibay.

Mula sa kung saan, ito ay lumitaw. Maliit at puti, may mga munting pakpak na kay liksi. Isang malikot na nilalang na lumipad palibot-libot, waring naglalayong ito ay iyong mapansin, magustuhan… at naising maangkin.

Huwag… huwag mong habulin ang paru-paro. Huwag kang pabighani sa taglay nitong rikit. Pagkat sa sandaling ito ay sinundan mo, sa kapangyarihan nito ikaw ay mapapasailalim… at ang mga hakbang mo ay hindi na iyo.

Ang pagtitig mo rito ang magdidikta sa mga paa mo. Lakakad kang pahilis sa landas ng iyong tunguhin… bawat hakbang, papalayo sa tama. Maliligaw ka sa lunan na mas masalimuot pa sa karimlan. Makakarating ka sa kalagitanaan ng kawalan, igagapos ng nakalilitong kaligayahan. At ngayong bihag ka na ng kahibangan, saka ka nito iiwan.

Huwag… huwag mong habulin ang paru-paro. Paglaon, hindi na sapat na ito’y napagmamasdan, nais mo na itong hawakan. Sa pangambang ito ay lumayo, hihintayin mo munang ito sa kamay mo ay dumapo. Ngunit gaano katagal ka mang umasa, sa iyo ‘di ito aamo… dahilang ikaw ay lalong mananabik na ito ay mahuli.

Iyong nalalamang kapag hinawakan mo ito, pakaingatan man ay walang silbi dahil ang mga pakpak nito’y manipis at agad mapupunit. Maiisip na sa garapon na lamang ilagay—di mo man mahawakan, kahit man lang masilayan… basta’t sa iyo’y di mawalay. Hindi rin ito uubra, pagkat sa loob ng salamin na sisidlan, di rin magtatagal ang buhay.

Kaya’t huwag mo nang habulin ang paru-paro. Anong pait mang ang inaasam ay hindi kailan man mapapasaiyo, kailangang tanggapin na ang pagapi ay di likas dito. Kasabay ng pagpapalaya mo sa turan, mapapakawalan mo sa hinagpis ang iyong puso. At kung saan may tunay na kakalinga ika’y paroon, humayo.

hala takbo! di alintana ang hapo, sa damdamin nagpatalo. heto’t nadapa! masakit mapilayan, totoo, pero dapat mo ngayong matanto na hindi nga ikaw ang bulaklak na ninanais ng paru-paro. umuwi ka na. ipahinga ang napilay na paa. at sa init ng hilot manalig na kahit pa gaano katagal at kahirap maglakad ng paika-ika, makalalakad ka rin ng matino… pagkat naglaho na ang sakit, nalimot na ang paru-paro.

Advertisements

puwing

labis na lamang kung indahin ko ang pagdurusang dulot ng isang pagkaliit-liit na tulad mo!

heto ka’t nagsusumiksik sa di naman dapat kalagyan, ang pang-aabala ay nilalayong mapagtagumpayan. ang paningin nga ay di lubusang mapakinabangan habang ikaw ay nakahambalang.

huwag kang magmalaki kung nang dahil sa iyo, luha ay managana; pagkat ang mga ito ay di dala ng nadarama.

magtawa ka man sa pasakit na naipataw mo, di rin magtatagal ang pagpapahirap mo.

gagawin ko ang lahat upang sa lalong madaling panahon, ikaw ay mawala.

hindi ka maaaring sa buhay ko ay maging bahagi. hindi… ay, hindi.


piring

dapat bang panghinayangan ang pagiging abo ng mga matatamis niyang salita..

kung sakali, ito ay isang maitim na ipu-ipong nakapupuwing…nakabubulag!

patuloy nitong hihipan ang apoy at madadarang ang kaluluwa,

maisasantabi ang tama at magpapakalulong sa mali.

ang retasong nakatakip sa di maghilom-hilom na sugat ang siyang sumisipsip sa natitirang dugo sa naghihingalong pagkatao.

dapat bang payagang mahigop at maubos ang pag-asa… ang buhay?

hala, magpakasasa at magpakalugmok sa walang kahihinatnan.

pagnaka’y matatanto kung ano lamang ang tunay na makasasagip mula sa matinding pagkauhaw.

ngunit malapit na itong malanta. paglaon, ang tanging mapaiinom nito ay natuyong luha.


senti

nangalabit itong kanta.

nang pandinig ay inilingon, puso ay dinaan sa dahas.

isipan ay di nakuhang manlaban kaya kaluluwa ay nilusob.

inungkat ng himig ang nakaraan na, hinalungkat ang damdaming naglaon na.

inusig ng mga titik, isinumbat ang mga pagkakamali.

hinagupit ng koro, ipinaramdam ang kasagsagan ng sakit.

sa kaigtingan ng hapdi, unti-unting naubos ang mga salita.

ang mga huling nota habang papalayo na’y nanunuya pa.

tapos na ang kanta..at wala nga akong nagawa kundi ang lumuha.


just like making love

do everything

as if you were making love:

be creative,

be sensitive,

aim to please,

flood your senses,

savor the pleasure,

burn with passion,

take full responsibility,

and achieve a great climax.


five roses

five roses
by rica
8″X 10″

one rose, two roses, three.

four roses, five roses for me.

in the morning, he makes me happy.

after all these years, sweet still is he.


missing words

missing words

missing words
by RCAIDIC
mixed media

you know that you missed only when you miss what’s missing.

missing, trying to find.

missing, cannot be found.

missing, wanting to have.

missing, cannot be had.

missing, lost.

lost are the words,

the letters mean nothing.

lost is the time,

the memories prove nothing.

lost is the love,

the feelings convey nothing.

so…

i dare not speak,

i know not what to say.

i dare not listen,

i know not what to believe.

for i cannot find the words.

the words that make up that missing piece of me.