Monthly Archives: May 2013

tula sa tuna

hala!

bukas pa pala.

bukas na daw.

malabo ang pag-asa.

hala…

tahakin ang lambak,

at saka umasa.

baka mamaya

ay meron pa.

hala.

tara, tara na.

baka mawala,

ang mamaya

magbago pa.

 

 

 

–tuna, binangonan, isla ng talim,

2:25 ng hapon

30 marso 2013

Advertisements

aso

ang asong may balat,

sa pag-ibig salat.

malalim mangagat,

ngunit kanya ang sugat.

mabagsik ang kahol,

luho laging habol.

utak ay mapurol

sa hayok naulol.

di kasi matuto

na maging maamo,

kaya di makatagpo

ng mag-aalaga sa’yo.


siyanga?

prinsesa bang matawag

kung walang korona?

artista bang masasabi

kung walang pelikula?

kahit gaano pa kamura,

di na mabebenta

ang birong di nakakatawa.


babasagin

alin..

ang damdamin,

maramdamin.

alin..

ang damdamin,

aaminin.

 

alin..

ang salamin,

mahiyain.

alin..

ang salamin,

sisirain.

 

bakit..

alanganin.

 

bakit..

palalayain.


bisikleta

pakaingat ka.

kay layo man ng tatahakin,

pakatibay ka.

sakaling sa bandang paahon hingalin,

mga tinik bunutin.

mga talangkang hihila sa iyo

paatras, pababa.

huwag silang hayaang ang hangin ay pasingawin

at hininga ay tuluyang ubusin.

manibela ay tuwid,

mga pedal at gulong ay maasahan.

ituloy ang padyak

at ituon ang tanaw sa patutunguhan.


kahon X

Dito.

Dito nagsimula.

Sa kahong di konkreto,

Nag-usap tayo.

 

Dito.

Dito nag-umpisa.

Sa usapang patago,

Tinuruan mo ako.

 

Dito.

Dito nagmula.

Sa damdaming natanto,

Mga katha nabuo.

 

Dito.

Dito mababasa

Sa kahong pansampu

Ang pasasalamat ko.


kahon IX

Kung ano pa ang ibang laman

Hindi ko na nga nalaman.

Pagkat ang aking kailangan

Ay ang mga inaasam kong laruan.

Ang pinakahihintay ko nga

Ang pangako niyang ipadadala,

Malaking bahay ng manika

May mga muwebles na magara.

 

Dahil napakalayo niya,

Ang humalili ang gumawa.

Nabuo ang bahay, wala namang pinta.

Tanggal ang hagdan, pinto nakasara.

Ganoon din ang buhay ko.

Salamat sa kapalit, ako ay natuto

Mag-gitara at makipagbuno sa numero.

Ngunit siya pa rin ang hanap ko.

 

Kung tutuusin sa apatnapu,

Malamang di umabot ng sampu

Pinagsamang taong kapiling ko siya.

Saglit man sakaling makasama,

Batid ko pa ring ako’y mahal niya.

Higit sa laman ng kahong ipinadala

Ang hangad na sa akin ay ipadama

Ang handog niyang pagpapahalaga.