Monthly Archives: January 2014

uhaw nga

ito ba ang sagot

sa inip at bagot,

kung inda ang kirot

ng kapos sa likot?

 

nang sa pusong pagod

ang lamig humagod,

ang init kumayod,

ang tamis sumugod.

 

‘tigil mo ‘yan, sabi!

sigaw mong matindi,

tila ba kay laki

ng pagkakamali.

 

ang uminom nga ba

tingin mo’y masama?

pipigilan mo ba kung

ako’y uhaw nga?

Advertisements

dapat ba?

dapat ka bang umasang sagutin

kung di ka nagsasalita?

dapat ka bang umuwi

kung di ka na doon nakatira?

dapat ka bang humiga

kung di lang iyo ang kama?

dapat ka bang humiling

kung ibinigay mo sa iba?

dapat ka bang magsimula

kung tapos na?