isubo

itong tamis
katumbas ay hapis
pagpapahirap tinitiis
tuloy ang pagmamalabis

itong alat
katumbas ay sumbat.
kahit ikaw pa ay salat
iyo pa raw ipagpasalamat.

itong asim
katumbas ay dilim.
pagkatakot ay kay lalim
sa kanyang banta ng lagim.

itong pait
katumbas ay galit.
ang karapatang pinagkait
di ibibigay kahit pa igiit.

hala, sige… isubo!

saka bibig ay itikom,
‘wag magreklamong gutom.
di ba’t ikaw raw ay pinakain?
kaya’t nilayong alipinin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: