Monthly Archives: October 2016

not there

I mustn’t stay longer,

hold you tighter,

kiss you sweeter.

I mustn’t go further,

know you better,

love you deeper.

I mustn’t pull you closer,

take you higher,

make you happier.

I mustn’t go there.

I mustn’t give more

Than I can take.

I mustn’t take more

Than I can bear.

I mustn’t go where

I can never get back from.


limits

That.

We knew

What we

Began.

Those.

We got

What we

Wanted.

These.

We get

What we

Can.

This.

We know

What we

Have.

Thus.

We are

Where we

Stand.


but

I can make you

See the fireworks

When I burst with joy

Of being with you.

I can make you

Hear the melodies

When I utter whispers

Of affection for you.

I can make you

Whiff the fragrance

When my soul blooms

Of passion for you.

I can make you

Relish the sugar

When my lips moisten

Of hunger for you.

I can make you

Feel the blaze

When my body ignites

Of desire for you.

I can make you

Know the truth

That my heart is filled

Of loving you.

Oh yes, I can.

But no, I won’t.


pisong butas

Pangungulila’y hindi maubos-ubos,

Tila walang hanggan ang hinintay.

At ngayong naibalot ka sa’king yapos,

Yaring ligaya ko’y walang kapantay.

 

Nang maangkin na ang singsing,

Natunaw ang kaba sa pagyanig.

Hangad ko ma’y mag-alay ng lambing

Pananabik pa rin ang siyang nanaig.

 

Tumitig ka sa akin nang taimtim

Nang sa’king mata iyong mabakas

Na ikaw ang bahaghari nitong itim,

Ang pumupuno sa piso kong butas.


how does it feel?

And when you touch me,

I forget

…that I loathe lies,

And yet I open my heart

To welcome your deception.

…that I am lost,

And yet I reach out my hand

To join your adventure.

…that I am empty,

And yet I offer my soul

To fill your void.

…that I am numb,

And yet I arch my back

To succumb to your desire.

…that I fear guns

And yet I surrender my mouth

To swallow your bullet.

So, now

Tell me…

How does it feel when I touch you?


nariyan ako

 

Nariyan ako

Sa bawat pintig ng pulso

Sa bulusok ng dugo

Ng sabik mong puso.

 

Nariyan ako

Sa bawat kisap-mata

Sa mahahalay na gunita

Ng alumpihit mong diwa.

 

Nariyan ako

Sa bawat hininga mo

Sa paghabol ng samyo

Ng balisa mong pagtakbo.

 

Nariyan ako

Sa bawat higop mo

Sa mapait na kape

Ng lasing mong diskarte.

 

Nariyan ako

Sa bawat hibik

Sa mahapding halik

Ng uhaw mong mga labi.

 

Nariyan ako

Sa bawat silakbo

Sa malaong pagpipigil

Ng masidhi mong gigil.

 

Nariyan ako

Sa bawat tama ng bala

Sa tumpak na tudlaan

Ng lihim mong kahinaan.

 

At nariyan ako

Sa ayaw mo man o gusto,

Sa kulang na pinupuno

Ng inangkin mong ako.


nasaan ka?

Kung sa hapon
Umambon,
Naroon ka ba?
Kung sa kanto
Lumiko,
Narito ka ba?
Kung sa laban
Panghinaan,
Nariyan ka ba?
Kung sa kalaunan
Magkalimutan,
Nasaan ka ba?

tukso

Mistulang higad na gutom na gutom,

Lahat tinikman, lahat binutas.

Gutom nga kaya’y mapaghihilom

Sa pagkagat sa higanteng mansanas?

Kung ito’y inaasahang magpapalaya

Mula sa palasak na nakagawian,

Anong karunungan ba’ng napala

Ngayong namulat sa kamunduhan?

Si Eba ngayon ang may kasalanan

Samantalang nilayon mong tumikim.

Pagtaguan mo man ang kahihiyan,

Lilipad ka pa ring paruparong itim.

wp_ss_20160805_0009.png


ang hari at ang singsing

Paano ngayon ang aking haring

May pangungulilang umiigting ?

Muli na lang pala natin hihintaying

Ika-dalawampung araw ay dumating.

 

Umasa kang kapag ako’y nakapiling,

Lumbay mo’y iibsan ng aking lambing.

Handog ang makapangyarihang singsing

Na malaon mo na ngang hinihiling.

 


taong itim

Sa loob ng kasuotang itim

May dugong magiting,

May diwang maagap,

May pandamang matalim.

 

Sa tutok ng mga matang itim

Walang makaalpas sa pansin.

Sa talas nitong pandinig

Nasisiyasat pati dilim.

 

Sa bawat hakbang na tiyak,

Pagkat matuwid, maasahan.

Sa bawat pinag-isipang pasya,

Katumbas ay kilos na tumpak.

 

Sa mga kamay na pantas

Ang pagkapit ay matatag.

Magtatanggol nang maingat,

Layunin ang magligtas.

 

Sa puso ng taong itim

Nag-aalab ang tapang.

Paglilingkod na matapat

Nag-uugat nang malalim.