Monthly Archives: October 2016

tukso

Mistulang higad na gutom na gutom,

Lahat tinikman, lahat binutas.

Gutom nga kaya’y mapaghihilom

Sa pagkagat sa higanteng mansanas?

Kung ito’y inaasahang magpapalaya

Mula sa palasak na nakagawian,

Anong karunungan ba’ng napala

Ngayong namulat sa kamunduhan?

Si Eba ngayon ang may kasalanan

Samantalang nilayon mong tumikim.

Pagtaguan mo man ang kahihiyan,

Lilipad ka pa ring paruparong itim.

wp_ss_20160805_0009.png

Advertisements

ang hari at ang singsing

Paano ngayon ang aking haring

May pangungulilang umiigting ?

Muli na lang pala natin hihintaying

Ika-dalawampung araw ay dumating.

 

Umasa kang kapag ako’y nakapiling,

Lumbay mo’y iibsan ng aking lambing.

Handog ang makapangyarihang singsing

Na malaon mo na ngang hinihiling.

 


taong itim

Sa loob ng kasuotang itim

May dugong magiting,

May diwang maagap,

May pandamang matalim.

 

Sa tutok ng mga matang itim

Walang makaalpas sa pansin.

Sa talas nitong pandinig

Nasisiyasat pati dilim.

 

Sa bawat hakbang na tiyak,

Pagkat matuwid, maasahan.

Sa bawat pinag-isipang pasya,

Katumbas ay kilos na tumpak.

 

Sa mga kamay na pantas

Ang pagkapit ay matatag.

Magtatanggol nang maingat,

Layunin ang magligtas.

 

Sa puso ng taong itim

Nag-aalab ang tapang.

Paglilingkod na matapat

Nag-uugat nang malalim.


let me be your whatever

When you’re lost

When you’re tired

When you’re lonely

When you’re glad

When you’re angry

When you’re bored

When the world seems unkind

When good friends are hard to find,

Turn to me.

I’ll be there

No matter

Whatever.

Whenever.


could you forgive me for making you believe?

Could you forgive me

For a long time ago

For tearing your heart apart

And making you believe

That I loved you?

When you had so much to give

I didn’t believe it was enough.

Could you forgive me

For a few years back

For tearing your heart apart

And making you believe

That I loved you?

When I knew you needed me

I didn’t give you enough.

Could you forgive me

For last week

For tearing your heart apart

And making you believe

That I loved you?

When you knew I needed you

I didn’t take what you were willing to give.

Could you forgive me

For days to come

For I will tear your heart apart

And make you believe

That I love you?

When I know you love me

I don’t know how to love you.


sa pagtanda

Pagbabago man ay tutulan,
Panahon ay ‘di mapipigilan.
Pagsapit nitong kaarawan
Gulang ay madaragdagan.
Panlabas ma’y di magustuhan,
‘Di yaon ang dapat tingnan.
Kundi ang mga pinagdaanan,
Ang mga napagtagumpayan.
Sa mukha at katawan bakas
Na ang kabataan ay lumipas.
Ngunit mananatiling wagas
Karunungan mula sa danas.