Monthly Archives: April 2018

entangled

ENTANGLED

And when I open my arms

to embrace you,

you are not there.

Frantic, I grope across the nothingness.

And my longing for you

has cursed me into restlessness.

I run along endless paths to nowhere.

And the more I seek a way out,

the more I get confused

…lost

…trapped!

This emptiness consumes me.

Advertisements

slaughter

As thoughts that spin in your head

Scamper down to your throat,

Your heart is burdened into deciding

Whether or not to release them.

Would you dare?

For to speak

Is to risk

To be heard or to be ignored.

To be understood or to be misinterpreted.

To be accepted or to be rejected.

To be appreciated or to be criticized.

To be praised or to be ridiculed.

Convictions will be murdered.

Concepts will be butchered.

Imagination will be beheaded.

Curiosity will be strangled.

Your mind will be killed.

Would you open your mouth

In your desire for affirmation,

And offer yourself

To be slaughtered?

Photo credits:

https://m.facebook.com/cornycopiabyiris/


katay

Habang ang mga bagay na umiinog sa iyong isipan

Ay nagmamadaling pumanaog sa iyong lalamunan

Ang iyong puso ay nabagabag sa pagpapasya

Kung ang mga ito ba ay dapat bang pawalan.

Mangangahas ka ba?

Pagkat ang umimik

Ay makipagsapalaran.

Ang mapakinggan o mabale-wala.

Ang mapaniwalaan o matutulan.

Ang mapahalagahan o mapintasan.

Ang mahangaan o mapagtawanan.

Mga paniniwala ay papaslangin.

Mga kaisipan ay tatadtarin.

Ang haraya ay pupugutan.

Ang pangungusisa ay sasakalin.

Ang iyong isip ay papatayin.

Bubuksan mo ba ang iyong bibig

Dahil sa kagustuhang makasihan,

At isalang ang sarili upang makatay?

Photo credits:

https://m.facebook.com/cornycopiabyiris/


lunok

At dito sa aking dila

Pait mo ay nagdagta.

Lalagok upang lunurin,

Saka ng tubig anurin.

Paglunok nga ay ganap.

Pagsuko ay pagtanggap.

Sa’yong bangis aasa

Makamit ang ginhawa.

‘Pag tigas ay nalusaw,

Bisa mo’y makakanaw.

Sa apoy ay lulupig,

Sa sakit magdaraig.

Kapag init humupa,

Sa ginaw napalaya.

Matigmak man ng pawis

Naibsan itong hapis.

Photo credits:

https://m.facebook.com/cornycopiabyiris/


turok

Mga mata’y ipikit.

Abangan ang pagtusok,

Wag magitla’t kumibot,

Payagan ngang pumasok.

Tanggapin ang pagbaon

Nang sa laman manuot.

Sa marahang pagtulak

Dadaloy sa ugat.

Guguhit, gagapang,

Talab ay kakalat.

Paghugot ng karayom

Sakit ay maglalaho.

Pagdaka sa pagmulat,

Huwag nang magtaka

Kung sakaling bumagal

Pagkurap ng mata,

Diwa’y biglang tulala,

At manhid ang pandama.

Ang laman ng hiringgilya

Ay ang pagsuyo niya.

Bagamat ito’y bihira,

Munting kirot mabisa.

Hilahil napapawi

Kahit pa man sandali.

Photo credits:

https://m.facebook.com/cornycopiabyiris/


How Pain Scourges

Misery flogs as a piercing lightning bolt lashing into the courage you believed you still had, then seizes and strangles your dwindling strength to wring out blood when you weep.


How Pain Disorients

Panic thrashes as a violent tsunami tearing apart the remainder of your tattered coherence, then washes away the shreds in all directions and you drown in your desperate attempt to retrieve your amputated parts.