samyo

Kahit sa iyong mga salita
Ako ma’y muling nahalina,
Nadarama’y nakuhang pigilin
Nang nakaraa’y aking lingunin.

Ang di-narating ‘di ko na aasamin,
Sapat na ako’y iyong kumustahin,
At mga tula ko muli mong binasa
Na ikaw pa rin ang laman ng diwa.


Leave a comment