Category Archives: 2 quilt

ride

Straight ahead
Through the tunnel
Shift gears
Go fast
Yes, faster
Feel the thrill
Steady
Hold it
Easy now
Slow down
Turn left
Hold on
Let me drive
No hurry
Sit back
I’ll take you
There.


what if I told you…

I have something
that belongs to you.
And no,
I’m not going to tell you what.
Don’t you worry though,
I reckon it’s something
you don’t seem to miss anyway.
Besides,
the only time you need it
is when you’re with me.
When I tell you things,
when I do things to you,
you ask for more.
But then you never realize
that what you’re asking for
–what I’m giving you–
was actually yours.


anuman

Batid sa kanyang ngiti
na hindi ko kailangan
ng ibang magmamahal sa akin.
Kakatwang nalalaman niya
at ang kailangan ko lang gawin
ay isipin siya.
Kakaiba ang kanyang
ipinagkakaloob sa akin.
Ayaw ko na siyang iwan pa.
Alam mong nananalig ako’t kung paano.

Tinatanong mo ako
kung lalago pa ba’ng pag ibig ko?
Hindi ko alam.
Hindi ko alam.
Manatili ka’t sakaling maipamalas.
Hindi ko alam.
Hindi ko alam.


kumikinang


Nanlalamig ka na ba’t
Naliligaw sa kawalan ng pag asa?
Umaasa ka
ngunit kabiguan lamang
ang iyong batid.
Alalahanin mong lahat
ng hapis at kasawian
At pakalawan mo.
Pakawalan mo.
Pakawalan mo.


daplis


Bulong mo’y hanging
Umihip na simbilis
Ng balang pinawalan ng gatilyo
Nang walang anumang babala.
Kagyat, nang maulinigan,
Damdamin ko’y tinamaan.

Sa mga umagang
Puso ko’y aligaga
Iihip ka’t darampi.
Tila halik sa ‘king pisngi,
Sa laot ng kaligaligan,
Dibdib ko’y napapanatag.

Ngiti mo’y kislap ng bulalakaw
Na gumuhit ng liwanag
Na kisap-matang namutawi’t
‘Di nagpadaig sa dilim.
Karakaraka, nang mamataan,
Kaluluwa ko’y nabuhayan.

Sa mga gabing
Isip ko’y hapong-hapo,
Sisiklab ka’t magniningas.
Tila alab sa ‘king noo,
Sa gitna ng panghihina
Pag-asa ko’y naapuhap.

Ang iyong pagkanaririto
Biglaan kung dumating,
Pandalian kung masumpungan,
Bihira kung makadaupang-palad.
Panaka-naka man ang pagdaplis,
Dulot mo’y ligayang labis-labis.


swero

May tubong sa ati’y nagdurugtong
Mula nang makilala ko ang ‘yong karayom.
Sa balat ko ay tumagos,
Sa ugat ko ay nanuot,
Sa dugo ay dumaloy.
At ang siyang bumuhay
Sa naghihingalong kaluluwa.
Ang damdaming natigang
Ay nadiligan, nabuhayan.
Tila ‘sang nalimot na hardin
Na pinanumbalikan ng luntian
Sa paunti-unting pag-asa.
Mga talulot muling namukadkad
Sa papatak-patak na galak.
Kaya’t bihira man magtagpo
Dama ko ang lambing mo.
Magkabilang-dulo man tayo
Tila swero ang iyong pagsuyo.
Sa paminsan-minsang pagsinta
Aking mundo iyong pinaliligaya.


shoelaces


But he has to go.
So I tell him
Stay safe,
For duty
Calls.

He puts his shoes on.
Ties his shoelaces.
He looks down.
He gets up.
He sighs.

It’s going to be
another
very
long
day.

Eyebrows, strained.
Shoulders, stiff.
Mind, drained.
Heart, weary.
Feet, sore.

He arrives after
another
very
long
day.

He unties shoelaces,
Takes off his shoes.
He lies down.
He looks up.
He sighs.

When he wakes,
I will tell him
Stay calm
For I am
Here.