Category Archives: 3 kaleidoscope

bawat ikalawang saglit

mulat.

ikaw.

kape.

ikaw.

isa pang kape.

ikaw.

ligo.

ikaw.

bihis.

ikaw.

lakad.

ikaw.

sakay.

ikaw.

trabaho.

ikaw.

tanghalian, kung sakali.

ikaw.

trabaho ulit.

ikaw.

uwi.

ikaw.

hapunan.

ikaw.

trabaho pa.

ikaw.

tulog..pag inantok

panaginip…ikaw.

Advertisements

kagat

dati sa may philcoa, may kotse sa tapat ng bahay nila… dun daw sila nakatira.

tuwing linggo may lakad sila. kung saan maisipan, dun pupunta.

buong araw masayang magkasama.

kelan lang napadaan ako… yung garahe, bakante na.

hiram lang yung kotse, hindi na rin sila dun nakatira.

hiram lang yung panahon, hindi na rin sila magkasama.

minsan mapapaisip ka…kung totoo nga ba sila.

o panaginip lang.. lam mo yun?

parang bula..pumutok na, naglaho sa isang kisapmata.

punasan ang luha ng dilaw na twalya…tas humigop ng kape sa puting tasa.

ok na sana, pero dyan sa bandang ibaba ng kanang hinlalaki…

masakit pa rin ang pasa.


tala

Ako’y nakalugmok kaya’t ako’y tumingala.
At nakita ko nga iyon, makislap at kay liwanag.
Binasa ko ang mga salita.
Pinakinggan ko ang halakhak, may kirot, aking batid.
Nadama ko ang init, ‘di ito kailan man nabigo sa pagpapangiti sa akin.
Ay, ito nga’y napakalayo para maabot.
Sinubukan kong bumuo ng halik mula sa mga binaybay na salita.
Sinubukan kong magsiwalat ng mga lihim gamit ang mga linya.
Ngunit isang pangarap lamang ang makakaabot dito.
Hindi ko maintindihan kung bakit ako nangangambang maaari akong mamatay
sakaling mawala ito sa akin.
Paanong mawawala sa akin ang isang bagay
na hindi ko naman matawag na akin sa simula pa lang?
Isa pa’y ngayon pa lang maaari na akong mamatay
gayong napakasakit na dahil hindi ito naging, at hindi maaaring maging akin kailan man… kailan man.

Niyakap ko ang liwanag, at ipinikit ko ang aking mga mata
upang makita ito sa aking diwa.
Inipon ko ang mga bulong, at ipininid ang aking mga tainga
upang marinig ko ito sa aking puso.
Nilanghap ko ang bango, at pinigil ko ang aking hininga
upang pakaalalahanin ito sa aking buhay.
Kung anuman ang mayroon ako, ito ang nagbigay ng bagong kahulugan sa pag-ibig.
Kung mayroon nga akong anuman, hindi ko na ito pakakawalan magpakailan pa man.


isipin mo ako

isipin mo ako

isipin mo akong may paggiliw

kapag tayo’y nagsanga na ng landas

alalahanin mo ako paminsan-minsan

pakiusap ko, ipangako mong iyo itong gagawin

kapag nadama mong muli na nais mong bawiin ang iyong puso’t maging malaya

kung sakaling may panahon ka

sana mapagbigyan mong ako’y maging laman ng iyong mga alaala

hindi kailanman natin sinabing ang ating pag-ibig ay walang kupas

o singwagas ng dagat

ngunit kung maalala mo pa

ika’y tumigil at ako’y iyong isipin

isipin mo ang lahat ng mga bagay na ating pinagsaluhan at pinagdaanan

at huwag ang mga dapat sana’y nangyari

isipin mo ako

isipin mo ako’ng naglalakad ng taimtim

isipin mong pilit kitang binubura sa aking isipan

alalahanin mo ang mga araw, balikan mo ang mga panahong nagdaan

isipin mo ang mga bagay na hindi na natin magagawa kailan man

hindi darating ang araw na hindi kita iisipin

naglaon na, waring kay tagal na panahon

tayo’y pawang musmos pa noon at walang muwang

marahil ‘di mo na ako maalala ngunit natatandaan kita

mga bulaklak ay nalalanta, mga bunga ng tag-init ay lumilipas

ang mga ito ay may kani-kanyang panahon

tayo man ay gayun din

sa kabila nito ako’y nagsusumamo na iyong ipangako na minsan ay iisipin mo ako.

–adapted from “Think of Me”


iguguhit kita

iguguhit kita.
 
‘ika niya,
kaya’t heto.
 
walang ni anumang saplot, nakahiga ako sa pulang sapin sa sahig… ako’y nakatagilid, paharap sa kanya. mga paa kong bahagyang nakabaluktot ay magkadikit na ‘di man masasabing may ikinukubli ay may ‘di nais ipasilip.  ang isa kong kamay ay nakapatong sa balakang, at ang kabila nama’y nakapatong sa noo na nakatihaya ang palad. buhok ko’y nakakalat sa sapin, ulo’y nakatingala, likod ay nakaliyad, katawa’y nakalantad. walang maitago pagkat alam kong pati ang nadarama ko ay batid niya.

malagkit ang titig, waring bawat pulgada ng balat ko ay sinusukat niya.  ang maitim na buhok na nakasabog sa palibot ng aking ulo ay tila ahas na gumagapang pababa at tutuklaw sa leeg ko. ang kamay ko sa noo ay may mga daliring tila mga talulot ng isang bulakalak na nag-umpisa nang bumuka.  ang mabilog kong mata ay nasa magkabila ng ilong kong tila   mababang alon na patungong dalampasigan. ang aking matambok na labi na bahagyang nakabuka ay simpula at singtamis ng hinog na mabolo. hihigupin ng kanyang mga mata ang bawat linya at kurba ng hugis ng katawan ko. ibabaling ang tingin sa lona at ililipat ang mga iyon dito. idadampi ‘t ihahagod ang brotsa sa lona.   kung minsa’y mabilis, kung minsan nama’y mabagal na para bang lumilikha ng musika sa biyulin. paulit-ulit niya itong gagawin hanggang sa ang damdamin ko ay naisiwalat na niya sa kanyang obra.

matalas ang tingin at tikom ang bibig. may bigat sa balikat ngunit magaan ang braso. matigas ang siko ngunit malambot ang pulso.  sukat ang galaw at sigurado ang pilantik.  nakapwesto ang mga daliri, para bang nakadugtong ang pinsel dito.

buong katawan ko ma’y kanyang nasiyasat, di ko man lang mahuli ang mata nya upang kami’y magkakatinginan.  ako nama’y di makagalaw, sa ilalim ng kanyang kapangyarihan ay nagmistulang estatwang buhay.  buhay nga, pagkat ako’y hindi matigas, at lalong hindi manhid!  dama ng aking hubad na katawan ang dampi ng hamog ng madaling-araw kasabay ng init ng titig nya. balat ko ma’y giniginaw at nagnanasa ng haplos mula sa kanya, batid kong sa akin siya man din ay nahahalina.  langhap ng aking bawat hininga ang mabangong kandila kahalo ang maantang pinturang gamit niya. ninanais ko mang magpahinga nang panatag, tinatandaan ko pa ring hindi ako maaaring maging  magalaw, at nang hindi magambala ang kanyang pithaya sa paglikha. ngawit at pagod ay ‘di ko alintana hanggang sa matapos siya.

heto nga. ang obra ay ako, at ako ang obra. wala mang makakaunawa, ang mahalaga ay ako ang pinili niya.

kaya’t heto.. ang sarili ko ay inaaalay sa kanya.


titration

Dec.9, 2009

Tranquil in a flask. Clear liquid inside the triangular-shaped container. An empty canvas anticipating the touch of a brush for the first time… a cheek that has never known how a blush felt.  A spirit awaits.  Silent, still.

A filled buret. Tall and taut glass against the stand.  A vessel overflowing, so much affection to offer.  A giver awaits.  Eager, willing.

Her hand began to move. The end of the stopper pressed against her palm as she held the knob between her fingers.  The decision to let emotions show. A beginning sparks.  Keen, intense.

Patience by the drop. She felt the muscles in her fingers proceed in synchronicity, letting her make fine calculated movements to turn the knob.  She slowly adds each drop, remembering to swirl the flask every now and then.  Nothing seems to be happening.   No proof that there was, in fact, something taking place.  Though, it was forming, growing, there was no telling when a connection could be clearly established. A flame building up.  Unseen, concealed.

Approaching the endpoint. Time comes when a drop touches the surface and a tinge of color shows, but disappears in an instant. So quick, one wonders if it was there all along.  The next few drops have the same effect.  The taking encourages the giving… even more.  Anticipation heightens.  A destination within reach.  Encouraging, exciting.

Equilibrium attained. Finally, a drop turns everything into pink. The indicator proclaims the tangency.  Each becomes both.  Congruence achieved. Parallel, mutual.

Friendship, harmony through giving and taking.


fear

There are things that scare me…

some of them real and some of them i made up…but all of them eating me up.

my greatest fear is losing faith in myself.   someone broke this faith.

and after that…

i don’t believe i could win at anything anymore,

i don’t remember how to hope,

fear defeated me.