Tag Archives: pag-ibig

lunok

At dito sa aking dila

Pait mo ay nagdagta.

Lalagok upang lunurin,

Saka ng tubig anurin.

Paglunok nga ay ganap.

Pagsuko ay pagtanggap.

Sa’yong bangis aasa

Makamit ang ginhawa.

‘Pag tigas ay nalusaw,

Bisa mo’y makakanaw.

Sa apoy ay lulupig,

Sa sakit magdaraig.

Kapag init humupa,

Sa ginaw napalaya.

Matigmak man ng pawis

Naibsan itong hapis.

Photo credits:

https://m.facebook.com/cornycopiabyiris/

Advertisements

pakabusog

higupin ang sabaw

habang mainit pa ang yakap.

namnamin ang tamis

habang malambing ang halik.

lubusin ang ligaya

habang masarap ang pagsasama.

may magbago o mawala man,

walang dapat panghinayangan.

tulad ng pagkain,

sa pagmamahal

walang dapat sayangin


yapos

huwag kang lalapit!

pag ako sa’yo nadikit,

di na kita pakakawalan.

dadalhin kita sa walang-balikan

nang makasama ka magpakailanman.

kay sarap ‘ka mo pakinggan.

ngunit gustuhin ko man,

alam kong ayaw mo ng ganyan…

yaong napipilitan.

kaya salita na lang ang gamit

sa pagyakap ng mahigpit.

pagkat dito nalalaman

maaari mong pagbigyan

na ang nakaraan ay balikan,

at malasap sandali man

ang dating kaligayahan.

ito lang ang papayagan…

bago mo ako muling iwan.

sapat na nga na nadama minsa’y naging akin ka.

at nang muli kang makita

ang inaasahang saya kaytinding kirot ang dala

nang malamang ang puso mo ay inalay na sa iba.

ganyang-ganyan ang sabi niya pag-ibig di mawawala

ngunit sa dami kong sala, marupok na ang tiwala

ang kanyang dibdib ay napagod dahilan ng pagtalikod

at sa iba nga umasa makasumpong ng pahinga.

isang gabi aking nalaman lumuluha siya kung minsan.

lungkot niya nais kong ibsan sa yapos na totohanan.


hindi na.

di niya kailanman pinanghinayangan ang mga sandali na sa akin ay inilaan. kanyang hangad na ako ay pagsilbihan, handa siyang ang lahat ay talikuran. batid kaya niya ang aking dahilan? gaano man kasakit, akin siyang iniwan. iginiit na ang tama ay panindigan, inisip na ito ay para sa kanyang kapakanan. alaala ng dalawampung buwan ay sapat ang dulot na kaligayahan kaya’t ang siya’y makalimutan hindi ko magagawa kailanman… gayun pa man, di na niya ito malalaman