Water
Shines
Mirage
Deceives
Sun
Scorches
Dune
Ignores
Darkness
Creeps
Lamp
Rescues
Yaon bang may pabalat
Na madalas husgahan.
At mayroong pamagat
Na kayraming kahulugan.
Nang buklatin ka’y simulan ko
Niyakag ako ng mga pahina.
Kaya’t mundo mo’y pinasok ko
Upang angkinin ng sarili kong unawa.
Yaon bang mga hinuha
Ang mapang aking ginamit.
Yaon bang mga sapantaha
Ang sa landas ipinangguhit.
Nilibot ko ang mga talata.
Nilakbay ang mga pangungusap.
Binaybay ko ang mga salita.
Ang sarili ko’y sa iyo nahanap.
Yaon bang ayaw kitang tigilan
Ngunit pananabik ko’y dapat tiisin.
Yaon bang kayraming gustong malaman
Ngunit kwento mo’y ayaw tapusin.
Pangamba’y ‘pag umabot sa dulo,
Mararating ko ang wakas.
Kung paraiso mo’y maglalaho,
Mapupuno ng lumbay ang bukas!
Yaon bang abot kamay na,
Saka pa kusang bibitawan.
Yaon bang bibitinin pa,
Kung kailan nasa kasagsagan.
Kaya’t ipipinid pansamanatala
Saka panaka-nakang bubuklatin.
Tanging ligayang sa’yo nabasa
Aking uunti-untiin, susulitin!
Minsan may isang kusinero
Mahusay raw magluto.
Naisipan at nagpasya
Magbukas ng karinderia.
Mga putahe niyang likha
Tila inilutong mga katha.
Kapag sahog tinilad na
Sa pakinig ay makinilya.
Nagsimulang mag-akda,
Isa-isang ipakikilala
Mga magsisipagganap
Sa kwentong ilalaga.
At nang rekado’y pinakuluan
Kapanapanabik ang tagpuan.
Samantala, sa isang kawali
Sumagitsit yaring mantika.
Nang ang bida ay ginisa,
Tumilamsik ang hidwaan.
Matindi ang bakbakan,
Pinirito ang kalaban.
Malapelikula ang timpla.
Pihadong patok sa takilya.
May lambing ang tamis,
May tampo ang alat.
Madrama ang lasa.
Nangurot ang asim,
Nanipa ang anghang.
Maaksyon ang sawsawan.
Sariwa ang mga sangkap.
Malutong ang mga kataga.
Malinamnam ang mga damdamin.
Masabaw ang mga talinhaga.
Masustansiya ang diwa.
Busog ang mga mambabasa.
Art: “Quilt”
by Rica
gelpen on paper
You are my density.
You shift my buoyancy.
You are dimensionless.
That’s what you are.
You count my every mass,
How much my volume has.
You’re not just heaviness,
You mean more than weight to me.
You are my density,
Specific gravity.
You are my cognizance.
That’s what you are.
Mga titik na naipit
Mga patinig na napagpalit
Mga salitang nagkandirit
Mga kudlit na sumingit
Mga gitling na nawaglit
Kay rami nang ng
Sindami ng nang
May labis, may kulang…
Pinalalampas lang.
Mga naipong puwing
Sa mapaniil na piring
Ng pangambang makasaling.
Tama nga bang sarilinin?
Art: “Words”
by Rica
colored pencil on paper
And when I open my arms
to embrace you,
you are not there.
Frantic, I grope across the nothingness.
And my longing for you
has cursed me into restlessness.
I run along endless paths to nowhere.
And the more I seek a way out,
the more I get confused
…lost
…trapped!
This emptiness consumes me.
Sa Rurok ng Ulayaw
Kung saan ginto ay pawa,
Pakikipagsapalara’y wala.
Sapagkat pula ang babala,
Ang buwan ay asul na.
Kailan muling kakagat?
Landas hindi magtapat.
Sa paglawak ng agwat,
Mga salita ba’y sasapat?
Ngunit ‘wag manimdim,
Maghintay nang taimtim.
Pagkat tipan ay malalim,
Pakaingatan ang lihim.
At sa muling pagsayaw,
Ligalig ay matutunaw.
Mapapawi rin ang uhaw
Sa rurok ng ulayaw.
Soul Remain Untamed
Where gold is untarnished,
Adventure has not come.
For blood taints the threat
Indigo the moon has become.
Is there a chance to succumb
As paths hardly cross?
When drawn farther apart
Will words be enough?
Yet do not be dismayed
Patiently we must wait.
For when a bond is deep
The secret is kept safe.
When the dance resumes
All weariness shall fade.
Thirst shall be quenched
For souls remain untamed.
Not here,
Not there,
A place only we know where.
Not then,
Not now,
A moment only we could share.
Not yes,
Not no,
A maybe that we know for certain.
Not right,
Not wrong,
A truth only our feelings can explain.
Not day,
Not night,
Twilights we spent tighten the screw.
Not long,
Not soon,
On time for our rendezvous.
Not me,
Not you,
The us we cannot eschew.
Nariyan ka.
Narito ako.
Sa bihirang pagbulong,
Ang ating mga salita’y
Lumikha ng mga hiblang
Humabi ng lambat ng pangungulila,
Kung saan tayo kusang nagpabitag
Sa pinaghalong ligalig at hibang.
Takip-silim diyan,
Bukang-liwayway rito.
Tayo’y lulan ng mga mundong saliwa ang inog.
Kapag natapos na ang pagbuhos ng buhangin,
Ang orasan ay muling babaligtarin.
Pagkabiting singnipis ng sinulid
Na siyang nagdurugtong sa atin
Ay pinagbuhol-buhol ng pananabik.
Heto ka.
Hayun ako.
Mga paglingong salisi ang indayog,
Pagsalubong sa alon kung kailan pakabig.
Saka-sakaling minsan ay magtugma,
Asam na pagniig masusulit nang tiyak.
Pagkat kung paanong ‘di tayo magtagpo
Ay gayong sa atin ay nagbubuklod.
Never had seen such piercing stare.
Makes me wonder what you have in there.
Sad, are you?
So I drift in the emptiness of your smile,
In the hollowness of your words.
Spent, are you?
So I drown in the depth of your sigh,
In the weight of your silence.
Stiff, are you?
So I shrink in the demand of your grip,
In the limits of your ideals.
Stuck, are you?
So I struggle in the burden of your denial,
In the truth of your misery.
I know what you are.
I’m willing to accept you.
But the question
Is, are you?